Pagpapahalaga sa Mga Pangyayari sa Iba't-ibang Yugto ng Pag-unlad ng Sinaunang Tao
ANG MGA SINAUNANG TAO Ang mga sinaunang tao ay kilala rin sa tawag na Prehistorikong Tao. Ang mga prehistorikong tao ay ang mga taong namuhay sa panahong hindi pa nasusulat ang kasaysayan. Ang mga prehistorikong tao ay namuhay sa Panahong Paleolitiko, Panahong Neolitiko at Panahon ng Metal. PAGPAPAHALAGA SA MGA PANGYAYARI SA IBA'T IBANG YUGTO NG PAG-UNLAD NG SINAUNANG TAO 1. Panahong Paleolitiko Ang unang bahagi ng Panahong Bato ay tinatawag na Panahong Paleolitiko (Paleolithic Period) o Panahon ng Lumang Bato (Old Stone Age) na hango sa mga salitang Greek na palaios na ang ibig sabihin ay luma o matanda at lithos na ang ibig sabihin naman ay bato. Ang Panahong Paleolitiko ay naganap noong 500,000 BC hanggang 8,000 BC. Ito ang panahon kung saan may pinaka mahabang yugto sa kasaysayan ng katauhan. Nahahati ang panahong Paleolitiko sa tatlong bahagi: Mababang Paleolitiko, Gitnang Paleolitiko at Itaas na Paleolitiko. Mga Pangyayari Sa panahong ito, nadi